KEMISTRI NG KARBON: Maikling Kurso sa Paggamit at Pag-unawa ng mga Konsepto ng Kemistri ng Karbon... Pinagtibay at ipinatupad sa UP noong 1989 ang isang Patakarang Pangwika na nagtatakda na Filipino ang maging pangunahmg midyum ng pagtuturo... Pagkilala... ito sa katunayan na sariling wika ang higit na mabisang kasangkapan ng edukasyon; at ang edukasyon na ginagamitan ng wikang naiintindihan ng nakararami ay paghawan ng landas tungo sa katarungang panlipunan. Ngunit hindi sapat ang isang Patakarang Pangwika para palaganapin ang wikang Filipino sa akademya. Kailangan ang mga kagamitang panturo, lalo na ang mga teksbuk sa Filipino na magagamit ng mga guro at mag-aaral...